hinding-hindi mo 'ko malilinlang
hinding-hindi mo 'ko malilinlang
yo! waddup tol 'di mo 'ko maloloko
matagal ko nang alam ang iyong galawan
mapagmasid kaming mga palawan
kilala mo lang ako sa 'king pangalan
kaya 'wag na 'wag mo 'kong aangasan
kung ganyan ka nang ganyan wala kang mararating
lahat ng hinangad ko ay tutuparin
habang ikaw hanggang ngayon ay tuso pa rin
sa kakabantay mo sa aking mga galaw
nagagaya mo na pala ako nang panakaw
pinatalino na 'ko ng karanasan
hindi na mauulit ang mga nakaraan
matibay na balat ko 'di niyo na matatablan
'di ako batang pasaway ako ay batang palaban
hinding-hindi mo 'ko malilinlang
hinding-hindi mo 'ko malilinlang
mga titig mo pa lang alam ko na
basa ko na sa 'yong mga mata
'di ka pa nagsasalita ika'y tablado na
'di na gagana sa 'kin mga paandar mo
puro ka ganyan kaya buhay mo walang takbo
ewan ko ba kung ba't ngayon ko lang napagtantong
'di ako dapat bumaba diyan sa antas mo
'di pa ba halata na ito'y babala
sa mga tao sa paligid kong nagtatangka
mga nagbabakasakali na may mapala
alam niyong matagal na akong nakakahalata
basa ko na bawat mga galaw niyo at mga mata
hinding-hindi mo 'ko malilinlang
hinding-hindi mo 'ko malilinlang
hinding-hindi mo 'ko malilinlang
hinding-hindi mo 'ko malilinlang