365 araw ng eroplanong papel

Singer:mnl48

tumingin sa langit ng umaga

sa araw kung tawagin ay ngayon

umaasang malalagpasan ng may ngiti

tahimik na hinihiling

kung minsan pumapatak ang ulan

ngunit luha ay umaapaw

mga araw na 'di umaayon sa'ting plano

bukas pagsisipagan ko

pangarap na'king inaasam

sa pangako na malaya

nagagawa lahat aking ninanais

ito ang aking hangarin

buhay ay eroplanong papel

dala ang pangarap ito'y lumilipad

kasabay ng pag-ihip ng hangin

patuloy sa pagsunod

sa halip 'di alintana ang layo

kung saan 'to naglakbay at kung saan man mapadpad

ito ang mas higit na mahalaga

tibok ng puso ang gabay

tatlong daan anim napu't limang araw

pagkataong makita ang bituin

o gabing halos walang makita

kahit nawawalan na ng pag-asa

nakahanap ng sandigan

sa iyong pinagdadaanan

umasa ka

hindi ka nag-iisa

'di mo lang napansin ang kabutihan

ng mga tao sa paligid

buhay ay eroplanong papel

dala ang pag-ibig ito'y lumilipad

magtiwala sa sarili at ika'y humayo

lahat titingala sayo

'di man bihasa sa mga darating

bigla kong namalayan na ko'y namayagpag na

mabigyan ng lakas ng loob at pag-asa

tayo'y magsama't magsaya

tatlong daan anim napu't limang araw

buhay ay eroplanong papel

dala ang pangarap ito'y lumilipad

kasabay ng pag-ihip ng hangin

patuloy sa pagsunod

sa halip 'di alintana ang layo

kung saan 'to naglakbay at kung saan man mapadpad

ito ang mas higit na mahalaga

tibok ng puso ang gabay

tatlong daan anim napu't limang araw

sige

lumipad ka

subukang lumipad

sige

lumipad ka

subukang lumipad

sige

lumipad ka

subukang lumipad