akala ko tayo ay magtatagal
kung kailan ako natutong umibig
at naniwala na eto na ang aking pag-asa
akala ko ang puso mo ay akin
akala ko walang hahadlang sa atin
nguni't tila ang lahat ay nagbago na
akala ko ikaw na ang magmamahal
sa puso ko na naghintay ng kay tagal
pagka't akala ko'y ika'y akin lamang
na puso mo'y 'di magkakamali
kapwa lang tayong masasaktan
ngayong walang pag-ibig na aasahan
akala ko ikaw na ang magmamahal
sa puso ko na naghintay ng kay tagal