at tinangay ka na ng hangin
kahibangan ko'y natapos din
nasanay na akong magulo ang mundo
nasanay na akong malayo sayo
wala na kahit pa maganda mong alaalang nakakapit
aalisin ko na rin ang larawan mong nakasabit
at tinangay na rin ng usok
alam ko nang may tama ang mali
alam ko nang ang sobra'y may sukli
dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
at ako ang gamu-gamu na sa iyo'y napalapit
huli man daw ang pagsisisi
may umaga naman pagtapos ng gabi
at tinangay na rin ng usok
alam ko nang may tama ang mali
alam ko nang ang sobra'y may sukli
dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
at ako ang gamu-gamu na sa iyo'y napalapit
huli man daw ang pagsisisi
may umaga naman pagtapos ng gabi