akin lang naman

Singer:gloc-9

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko

ito ay akin lang naman

naman

naman

naman

dedma

yan ang dapat mong gawin

'pag narinig ang bawat salita

na basa ng laway sa aking bibig

na aking dinudura sa mga pagmumukha

ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula

wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya?

kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya

sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika

malamang sa malamang kung di kilala lugi ka

kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa akin

ang indi mo nakikita

susubukan kong baguhin

isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram

ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan

hindi tama ang magbintang

subukan nating magbilang

ilang taon ang dumaan

bakit napagiiwanan

hindi ko po kayo pinangungunahan

o dinidiktahan

dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko

ito ay akin lang naman

naman

naman

naman

alam kong di ito madali at medyo mabigat

pero kung susumahin ang importante lang sa lhat

ay marunong kang maawa sa mga naghihirap

minsan kailangang sumagot kahit walang kausap

nang wala nang batang namamalimos at nakaapak

wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak

libre ang makapagaral

hustisiya'y di mabagal

ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko

ito ay akin lang naman

naman

naman

naman

kung ako ang presidente

busog ka na sa bente

ang lahat ay pantay-pantay

iskwater man o disente

lahat ay mya bubong

lahat ay may dingding

kung walang makian

di magsasangla ng singsing

dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa

sa dagdag-sahod ay di kailangang magmakaawa

mga lagay-lagay

perang tangay-tangay

kapag napatunayan

ikulong lahat sabay-sabay

kase walang mayamayaman

dapat maya-maya lang

tinuturuan ng leksyon

mga mayamayabang

mga abusado sa kagawaran ng gobyerno

nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang pursyento

pero

kahit suntok sa ulap

baka ika'y mamulat

kinakalawang na pinto sabay nating itulak

laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan

dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

wag mo kong pansinin

wag mo kong pakinggan

pagkat ang sinasabi ko

ito ay akin lang naman

naman

naman

naman