ako lang sana

Singer:hashtags

kabubukas pa lang ng laptop ay kinikilig ka na

di mo nga napapansin ang tsokolate kong dala

tutok na tutok ka sa paborito mong koreanovela

oras para sa akin ay nababalewala na

nababaliw ka sa pakikinig ng mga k-pop na kanta

buong kwarto mo ay puno na ng koreanong artista

gusto mong gayahin natin ang mga romantikong eksena

nagiging bisyo mo na ang papiggyback na karga

ako lang sana ang nagpapakilig sa'yo

ako lang sana ang paboritong k-drama mo

ako lang sana ang nagsasabi ng sarang haeyo

ako lang. oh ako lang sana ang oppa mo

tinitiis ko ang pabago-bagong kulay ng buhok mo

ginagawa ko ang bibimbap at kimchi na paborito

ang kinakatakot lang lagi nitong aking puso

baka pati pag-ibig ko ay ipagpapalit mo

nababaliw ka sa pakikinig ng mga k-pop na kanta

buong kwarto mo ay puno na ng koreanong artista

gusto mong gayahin natin ang mga romantikong eksena

nagiging bisyo mo na ang papiggyback na karga

ako lang sana ang nagpapakilig sa'yo

ako lang sana ang paboritong k-drama mo

ako lang sana ang nagsasabi ng sarang haeyo

ako lang. oh ako lang sana ang mahalin mo

andito naman ako

sana pansinin mo

kahit walang subtitle

maiintindihan mo