bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa mo sa labas?
ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? wala pa ba sayong naghahanap
ayoko sana na maging istorbo saiyong pagsasaya
alam ko naman na merong ganap
pero ang magulang mo ngayon malamang nag aalala
at hindi naman yun para lang sakanila
alam mong madilim na sa kalsada
iniwanan ka na ng iyong mga kasama
mataas ang tyansa mo ngayon na mapahamak
pero ang lakas mo nang makainom
sabihin nalang nating masarap talagang tama ng alak pero mga kasama mo'y masasama ang intensyon
ala stres ng madaling araw asan ka na ba. bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa mo sa labas?
ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? wala na ba sayong naghahanap
alam ko na masarap maging kolehiyala
pakiramdam mo ay alam mo na lahat
ang pag iinom ay iyo nang napagaralan
kaya dyan ka nalang bumabagsak
ang baon na binibigay sayo ng yong magulang
ginastos mo nalang lahat sa toma
hindi naman nagkulang pero sumosobra ka na
wala ka na bang balak na pumasok? kaya tinutulugan mo'y harap ng sinaraduhang pintuan
imbis na matapos ang pagaaral
tinapos mo ang yong kinabukasan
anong oras ka na ba matutulog
makinig ka sana sakin kung sakaling mahuhulog na
bakit nakaposas ka na sa kamay nya
ala stres ng madaling araw asan ka na ba. bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa mo sa labas?
ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? ang dami na sayong naghahanap
bakit ba nakatayo ka lamang sa kalsada at iba ibang bubong ang tinitingala
nakapangalis pa tuwing madaling araw
nagbibihis para lang mahubaran
masyado ka naman atang na nalulong sa alak
wala nang ibang mapagkakitaan
ang yong katawan ay iyong ipinapahamak sapagkat yan na ang tawag mo saiyong kasiyahan
ba't pinabayaan ang yong sarili
na kaya mo pa na sumigaw at pumiglas
kumawala pero pinili mo nalang na manahimik
anong oras ka na ba matutulog
makinig ka sana sakin kung sakaling mahuhulog na
bakit nakaposas ka na sa kamay nya
bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa mo sa labas?
ano ang ginagawa nila ganitong oras? ngayon lang kitang nakitang humiga
ngayon na't nakapikit nang yong mga mata
sana sayong buhay ikay naging masaya
dati ay marami pa sayong naghahanap
ngayon ay alam na namin na wala ka na
ala stres ng madaling araw asan ka na ba.