alaws arep

siakol

laging laman ng tindahan

naghihintay ng daraan

maghihingi lang ng piso

pambili ng sigarilyo

maghahanap ng trabaho

kahit ano papasukin ko

di matanggap kahit waiter

mukha raw akong holdaper

alaws arep lagi sa araw araw

dehins tuloy ako makapanligaw

uuwi na lang ako sa amin

magdadasal na lang ng ama namin

mangungutang ng ulam

o diyos ko tuyo na naman

isama nyo na ang yelo

ng lumamig naman ang ulo ko

busog na sa problema

mayaman sa alala

puno ng kalungkutan

wala na bang katapusan

alaws arep lagi sa araw araw

dehins tuloy ako makapanligaw

uuwi na lang ako sa amin

magdadasal na lang ng ama namin

alaws arep lagi sa araw araw

dehins tuloy ako makapanligaw

uuwi na lang ako sa amin