ang huling el bimbo
eraserheads
at ang galing galing mong sumayaw
mapa boogie man o cha cha
ay ang pagsayaw mo ng el bimbo
at buong maghapon ay tinuturuan mo ako
magkahawak ang ating kamay
na tinuruan mo ang puso ko
naninigas ang aking katawan
kapag umikot na ang plaka
patay sa kembot ng beywang mo
at pungay ng yong mga mata
at dahang dahang dumudulas
ang kamay ko sa makinis mong braso
sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
at kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
magkahawak ang ating kamay
na tinuruan mo ang puso ko
la la la la la. at lumipas ang maraming taon
balita ko'y may anak ka na
tagahugas ka raw ng pinggan sa may ermita
at isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
magkahawak ang ating kamay
na tinuruan mo ang puso ko
magkahawak ang ating kamay
na tinuruan mo ang puso ko