araw't gabi

Singer:benin, clara

lumiwanag ang mundo nang ika'y nasilayan

ako'y tuluyang napuno ng ligaya

puso ko'y huminto nang ikaw ay lumapit

parang pelikulang slow motion

'di alam ang gagawin

ikaw lang ang gusto kong makapiling

habang panahon ikaw ang may hawak sa akin

araw at gabi

oh kay sarap

kay sarap talagang mag-mahal

'pag alam mong mahal ka rin niya

araw at gabi ikaw ang ninanais ng

puso kong ngayon lang nagising

mababalik ko pa kaya ang kahapon

noong tayo'y mga batang walang alintana

palawak nang palawak ang pagitan

ano ba ang nangyari biglang nailang

natuyo ang sanhi

sino bang masisisi

sabik na sabik na ako sa mga 'di mo sinasabi

araw at gabi

oh kay sakit

masakit talaga ang mag-mahal

'pag alam mong mahal niya'y naglaho na

araw at gabi ikaw ang ninanais ng

puso kong ngayon lang nagising

dumilim ang mundo ng ika'y lumayo

ako'y tuluyang napuno ng lungkot

puso ko'y huminto nang ika'y bumitiw

parang pelikulang slow motion

'di alam ang gagawin

araw't gabi

Lyric Context: araw't gabi - benin, clara