bagong yugto
Singer:tandingan, kz
paano ba magsisimula ang ating istorya
kung di pa tapos ang nakaraan
paano ba magbubukas ang ating kabanata
kung 'di pa sarado sa nakalipas
mangangambang ang puso'y buksan
at ako na naman ay muling masaktan
ano kaya ang nakasulat sa bawat talata
kung bawat hakbang ay dala-dala ko ang mundo
paano ba tatawirin ang dilim na naghahari
at tanggapin na may liwanag pasulong