bulag, pipi at bingi

Singer:constantino, yeng

madilim ang 'yong paligid

hating-gabing walang hanggan

anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan

huwag mabahala

kaibigan

isinilang ka mang ganyan

isang bulag sa kamunduhan

ligtas ka sa kasalanan

di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo

marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo

'di makita

'di marinig

minsa'y nauutal

patungo sa hinahangan na buhay na banal

ibigin mo mang umawit

hindi mo makuhang gawin

sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin

sampung daliri

kaibigan

d'yan ka nila pakikinggan

pipi ka man nang isinilang

dakila ka sa sinuman

ano sa'yo ang musika

sa'yo ba'y mahalaga

matahimik mong paligid

awitan ay 'di madinig

mapala ka

o kaibigan

napakaingay ng mundo

sa isang binging katulad mo

walang daing

walang gulo

Lyric Context: bulag, pipi at bingi - constantino, yeng