buti na lang

gloc-9

kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon

iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon

malalaman ng iba na puro angas ka lang

buti na lang hindi ako mayabang

buti na lang hindi ako mayabang

kasi sabi ng aking itay anak wag kang magyayabang

wag mong buhatin ang bag ko kahit medyo magaang

di pa napipisa ang itlog ay wag kang magbilang

wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang

wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling

wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling

kasi halata naman at napapag-alaman

kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman

mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna

sa huling mong ginawa wala pang nakakabura

ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot

na mahirap dukutin kasi medyo malapot

sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat

puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat

kailangang bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat

kahit magulang mo lang ang nagbigay sa 'yo ng lahat lahat

kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon

iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon

malalaman ng iba na puro angas ka lang

buti na lang hindi ako mayabang

buti na lang hindi ako mayabang

sabi ng aking inay wag mong tawanan ang pilay

wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay

sa mga namamalimos

mga naghihikahos

paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos

teka mali hilamos para maiayos

wala kang tsinelas pano magkakasapatos

wag mong ipagmalaki na ika'y pinangaralan

alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang

ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang

ibaba mo ang 'yong kamay bakit laging nakaharang

masorpresa mga bato sa baybati

sa kapitbahay niya doon sa monumento

malabo pa sa tveng sira ang antena'y nakagiba

ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila

basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayad sa lupa

para di ka madulas bago ang alikabok kong lupa

kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon

iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon

malalaman ng iba na puro angas ka lang

buti na lang hindi ako mayabang

buti na lang hindi ako mayabang

madami akong pera magaling ako na rapper

ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster

nakapila mga chicks pero hindi yong manok

yong tipong mga sexy at mahahaba ang buhok

madami ko nang award dala ng aking bodyguard

hindi umiinom ng beer yung lang mamahaling na heart

kita mo tong mga bling bling e pero maningning

mga plakerang album nakasabit sa dingding

magara aking auto bumabayo ang sounds ko

hindi ito commercial homie ang the prize to

madami akong pera magaling ako na rapper

yan aking mga fans tingnan mo dito sa friendster