chiksilog

kamikazee

magdamag nag-aabang maglalaro kaya

ang dalagang nagtatago sa alyas na maldita

sa dating tagpuan sa bayan ng prontera

sa tabi ng tindahan ng magic at sandata

nung minsan nga ay nag-alay ka pa ng buhay mo

nang kinalaban natin ang mga bagong dayo

natalo nga sila at nagyaya kang mag-saya

tanging hinihintay ang makita ka

alas dos nung linggo

nagpolo pa ako

nananabik habang

tumigil ang mundo nang makita ka

chiksilog! ako ay nahulog

nilinlang

niloko

alam ko na'ng sikreto mo

chiksilog! ako ay nahulog

nilinlang

niloko

alam ko na'ng sikreto mo

walang saysay mag-levelup pantasya ay nasira na

ang inipong lakas naglaho parang bula

kaya pala ang husay mo sa espada

si maldita ay lalake pala!

alas dos nung linggo

nagpolo pa ako

nananabik habang

tumigil ang mundo na'ng makita ka

chiksilog ako ay nahulog

nilinlang

niloko alam ko na'ng sikreto mo

chiksilog

alam ko na'ng sikreto mo!