dalangin (kanta 'to)

shamrock

gusto ko sanang mahawakan ka

at minsan pa ay mayakap ka

gusto ko sanang makausap ka

at minsan pa'y mahagkan kita

madilim man ang iyong paligid

ang liwanag ko ang siyang sisisid

ang tamis ng aking mga halik

ang siyang magsasabing sayo'y nananabik

sa ilalim ng buwan tayo ay magsasama

sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya

o aking giliw wag nang malumbay

ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay

sa iyong paggising at walang aakay

nandito lang ako naghihintay

pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin

mga palad mo ang siyang aking dalangin

sana wag mo akong ibaon sa limot

damdamin kong ito'y panahon pa ng batibot

lahat ng bagay ay aking gagawin

upang ang puso mo ay aking maangkin

habangbuhay ako sa iyo'y magpaparaya

pakiusap ko sa'yo wag ka nang magalala

o aking giliw wag nang malumbay

ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay

sa iyong paggising at walang aakay

nandito lang ako naghihintay

pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin

mga palad mo ang siyang aking dalangin

hindi ka mawala sa aking isipan

matagal na 'kong sabik sa'yo

sana naman ako ay pagbigyan

o wag ka nang lilisan

gusto ko sanang mahawakan ka

at minsan pa ay mayakap ka

gusto ko sanang makausap ka

at minsan pa'y mahagkan kita

sa ilalim ng buwan tayo ay magsasama

sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya

o aking giliw wag nang malumbay

ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay

sa iyong paggising at walang aakay

nandito lang ako naghihintay

pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin

mga palad mo ang siyang aking dalangin. ang aking dalangin

Full Lyrics: dalangin (kanta 'to) - shamrock