dapat ka bang mahalin

Singer:donna cruz

bakit ba halos lahat sila

ay nagpapayong 'di ka dapat mahalin?

kahit pa ipagtanggol kita

ang paliwanag ko ay 'di nila pansin

'di ba raw ako sa 'yo'y nabubulagan?

mas higit pa raw ang kahit sinuman

kung alam nilang kundi dahil sa 'yo

'di kailanman liligaya ng ganito

dapat ka bang mahalin

dapat nga ba?

'di ka raw marunong magmahal

kahit dapat o hindi

batid ng maykapal

ang aking mahal

kailan pa ma'y ikaw

'di nila nauunawaan pa

na ang nagmamahal ay 'di mapaghanap

kahit ka 'sang sinungaling pa

ang masawi sa 'yo'y aking matatanggap

alam kong ako'y hindi nabubulagan

iibigin ka magpakailan pa man

huwag silang magtatanong kung ika'y dapat

mahalin ko ng walang kasing-tapat

dapat ka bang mahalin

dapat nga ba?

'di ka raw marunong magmahal

kahit dapat o hindi

batid ng maykapal

ang aking mahal

kailan pa ma'y ikaw

dapat kang mahalin

dapat kang mahalin

Lyric Context: dapat ka bang mahalin - donna cruz