dear ate charo

juris

dear ate charo pano ba to

'di ko alam kung san ako magsisimula

sa kwento ng buhay ko

dear ate charo 'di na mabilang

mga liham kong inilihim ko

na lang at sinilid sa puso

saan pa ba'ko tatakbo

kalaban ko buong mundo

kahit pamilya ko hindi pabor sa gusto ko

puso ko ay litong lito

at isip ko'y hilong hilo

hayaan mong ikaw na lang maging

sandalan at sumbungan ko

bakit kaya kapag malala na

saka mo lamang maaalala

magparaya't magtiwala't

magbigay ng halaga

kailan kaya matatapos ang drama

sa buhay kong pang-ma ala-ala

isusulat ko na lang ang kwento ko

dear ate charo

dear ate charo pano na to

pakiramdam ko talo ako

sa ginawa kong maagang pagsuko

dear ate charo di ako

sigurado kung makakaya kong

panindigan ang hatol ng isip ko

bago pa man naging kami

alam nya nang mauuwi

ako sa kapalarang

'di naman

ako ang pumili

pero sige lang nang sige

hanggang lumalim ang kami

at magkabunga ang inaakala namin ay mali

kaya naman ako ay nagpaalam

at bumitaw na lang nang biglaan

'di ko na naipaglaban

aking nararamdaman

saka ko lamang napatunayang

'di ko pala sya kayang iwanan

sana ay mabasa mo ang kwento ko

dear ate charo

salamat at mayrong

isang katulad mong handang

magpahiram ng oras sa

katulad kong bigo

at sa pagsasara ng mga

pahina ng liham ko

alam kong mayroon namang

mabubuksang bagong pinto

at sa huli kami'y magkikita

at mapayapa na magsasama

sa harap ng libo-libong

pagsubok ng tadhana

at sa wakas 'di na alintana

ang mga nega at kontrabida

dahil kami ang bida sa kwentong ito

dear ate charo

dear ate charo

dear ate charo

dear ate charo

dear ate charo