di ako sanay
Singer:soulstice
kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
pwede bang umuwi ka na lang
pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko
kailan ko ba muling mahahagkan ang iyong halik
kailan ba 'ko magigising sa panaginip
para magising sa katotohanan na
hindi pa rin bumabalik at hindi matiis kayakap ko palagi aking unan
miss ko na ang kwentuhan natin dalawa
please lang uwi ka na kasi yeah
'di nga kasi ako sanay nang wala ka
kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
pwede bang umuwi ka na lang
pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko
alam mo bang 'di na 'ko makatulog nang maayos
simula nung umalis ka 'di na 'ko mapakali baka yung mga balat mo magkagalos
pa'no pa kita paglulutuan
'di pa man din ako sanay mag-isa kapag hapunan
pa'no na lang din kapag may nangyaring 'di kanais-nais sa iyong mga paroroonan
ganitong wala ako sa likuran o harapan mo
pero kailangan tatagan at pagpasensyahan mo na kung 'di ko maiwasang mag-isip ng masama
sobrang mahal kasi kita kaya ipangako mo sa 'kin lagi kang magpaparamdam
palagi kang mag-text at 'wag mong kalimutan mga numero ng mga sasakyan mo
tapos tumawag ka na kaagad kung ayos lang
kasi napakahirap palang magtaka sa gantong sitwasyon na walang
na napakalayo't 'di man lang kita mahawakan
mayakap at makatabi sa ibabaw ng alapaap habang masayang-masayang nag-uusap
kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
pwede bang umuwi ka na lang
pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko
hindi ko lang alam kung pa'no ba mapipigilan
yung pagka-miss ko 'di na dahan
yung mga kiss mo ang kailangan
gusto na kita makakwentuhan
para masabi ko sa 'yo ang lahat-lahat
tinatago ko lang ang nadarama kong kay bigat
'di kasi ako sanay kapag wala ka
kaya lagi kita na naaalala
bawat gabing wala ka sa 'kin parang gusto ko na lang ang mawala na oh
uwi ka na kasi para 'di na tayo mahirapan
at kung alam mo lang kung gaano kita na pinaghirapan
para mayakap na kita at muling mahagkan
ang tulad ko sa 'yo lang nababagay 'yan
naku po walang sino man pwedeng humarang dyan
kasi alam mo ba na miss ka
upang patunayan ko sa 'yo na ikaw lamang ang number one