gap

allmo$t

sana ako'y palagi na lang malapit sa 'yo

nang 'di na tayo nagkakalayo

wala man lagi dyan sa piling mo

asahan mong magbabalik ako

dahil 'di man sigurado

kung kailan muling magkikita

baby

alam mo bang sabik

pa rin ako sa yakap at halik mo

baby

hindi ka man na madalas matawagan

alam mo na 'di ko magagawang limutin ang binitawan

ko na mga salita para sa 'yo lumayo man ako

ikaw at ikaw pa rin ang laman nitong damdamin

ilang kilometro man para mapunta sa 'yo

ay 'di ako mapapagod tiisin

tiyagain

kung 'di ko rin naman na kayang hintayin

'yung makayakap ka tuwing

ako na 'yung naglalambing

swerte pa rin kasi 'di mo 'ko tinigilang mahalin

ano ba 'yung magandang nagawa ko

para lang mabigyan ng isang katulad mong

handang maintindihan 'yung ganitong sitwasyon

natin ngayon na limitado lang

na magkita at magsama pero 'di 'yun naging hadlang

para sa atin

malaking bagay na 'yung tiwala mo sa 'kin

kaya kahit anong pilit mang sirain

nila ay 'di tatalab sa kahit na sino man

mawala man ang lahat

'wag lang ikaw na naniwala nung una palang

hey

sana ako'y palagi na lang malapit sa 'yo

nang 'di na tayo nagkakalayo

wala man lagi dyan sa piling mo

asahan mong magbabalik ako

dahil 'di man sigurado

kung kailan muling magkikita

baby

alam mo bang sabik

pa rin ako sa yakap at halik mo

baby

sabik palagi na makita ka

'wag ka nang magtaka kung bakit

baby

sapat na sa 'kin na alam ko na

'di ka mawawala

nagtitiwala ka ba

sa 'kin kasi alam kong mahirap ang magkalayo

mahirap din para sa 'kin

minsan nga 'di na ako makatayo

sa kakaisip kung pa'no kita makikita

'di ko rin masilip kung ano na kayang balita

hindii ko maiwasang ikaw ay isipin

ano kaya ang 'yong ginagawa

hindi rin matawagan

kasi ayokong ikaw ay maabala

ako rin ba ang tumatakbo sa isip mo

kung gano'n 'di na hihinto

'di mapapagod para sa 'yo

sana ako'y palagi na lang malapit sa 'yo

nang 'di na tayo nagkakalayo

wala man lagi dyan sa piling mo

asahan mong magbabalik ako

dahil 'di man sigurado

kung kailan muling magkikita

baby

alam mo bang sabik

pa rin ako sa yakap at halik mo

baby

sa tagal ko nang hinihintay

nakaka-miss ang mga yakap na binibigay

inaamin ko na 'di na 'ko sanay

gumagala mag-isa walang kahawak na kamay

kapag ako'y kumain sa labas

nami-miss ko 'yung kinakainan natin madalas

manunuod ng paboritong palabas

naaalala ko tuloy 'yung mga tawa mo'y wagas

oh oh oh

ako ba'y nami-miss mo

yeah yeah yeah

halika na sa tabi ko

kasi hindi ko na kaya

kapag nakalaya ka

pwede ba sa 'kin ka na umuwi

ayokong manghinayang

tapos mapabayaan ka

dahil ikaw ang nagpapangiti

sana ako'y palagi na lang malapit sa 'yo

nang 'di na tayo nagkakalayo

wala man lagi dyan sa piling mo

asahan mong magbabalik ako

dahil 'di man sigurado

kung kailan muling magkikita

baby

alam mo bang sabik

pa rin ako sa yakap at halik mo

baby

yeah

minsan hindi ko na alam kung pa'no titignan

ang sitwasyon natin na para tayong napagti-trip-an

kahit na palagi tayong malayo

walang magbabago

gano'n pa rin ako'y aminado

pagmamahal ko ay 'di maglalaho

'yan ang pangako natin para sa isa't isa

hirap itago ng pagkasabik sa salitang nami-miss kita

sana matiis hanggang sa pagbalik

yeah

'wag ka na galit

yeah

alam mo namang kahit anong mangyari

'di pagpapalit

yeah

laging naiinis kapag ang tawag hindi masagot

ooh

agad bumabawi

ayokong magalit alam mong takot

ooh

wala 'yan sa layo nating dalawa basta para sa 'yo

pipilitin pa rin na maabot maalala mo lang anong halaga mo

ooh

ikaw ang laging inuuna

hindi ka pwedeng kalimutan

malapit naman na 'kong umuwi

pasensya hindi maubusan

sana mayakap kita at makatabi

walang masasayang na oras

masulit lang natin lahat ng bawat sandali

yeah

sana ako'y palagi na lang malapit sa 'yo

nang 'di na tayo nagkakalayo

wala man lagi dyan sa piling mo

asahan mong magbabalik ako

dahil 'di man sigurado

kung kailan muling magkikita

baby

alam mo bang sabik

pa rin ako sa yakap at halik mo

baby