hanggang wakas

Singer:juris

kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo

katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo

katangi-tangi kang handog ng maykapal sa akin

ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin

kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan

saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman

kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali

at pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi

mamahalin pa rin kita

kahit na alam ko na mawawala ka

asahan mong pag-ibig ko'y wagas

tayong dalawa hanggang wakas

huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa

pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin

katangi-tangi kang handog ng maykapal sa akin

ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin

alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala

balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama

kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali

at pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi

mamahalin pa rin kita

kahit na alam ko na mawawala ka

asahan mong pag-ibig ko'y wagas

tayong dalawa hanggang wakas

asahan mong pag-ibig ko'y wagas

tayong dalawa hanggang wakas