basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
habang ikaw ay kasa-kasama
pagala-gala hindi nakakasawa
lakas ng tama kawawa ang baga sa kakatawa
do'n tayo sa paborito mong kainan
at kung hindi mo maibigan sa chubibo maglambingan
biruin mo si kupido napagbalingan ako ng pana
maniwala ka sana 'di ako manlalamig parang naka-pajama
asawa ang turing ako ay 'di na antukin
daig pa natin ang pamilya ni lumeng
mahirap habulin 'pag tayo magkasama
tamang inom sa may pampang
kung nakaupo lang tambay inuman habang bilog ang buwan
sa uulitin tayo ay magsama
balewalain ang dapat yung gusto mo yun ang tama 'di ba?
basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
habang ikaw ay kasa-kasama
pagala-gala kahit san mapunta sige lang bara bara
tuhog fishball dun sa kalye-ah
sulitin ang araw pati gabi ng makarami
hahalik lang pala sa labi
sa kasamaang palad hindi pwe-pwedeng walang bawi
sabay sa aking kada padyak
kahit nasaan pa man parang mga pirata kung makipagsapalaran
at kung sakaling pagtulungan 'man ng agos at ng alon
tatawanan lang nating hanggang matapos ang maghapon
basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
ang sarap-sarap mong kasama
sarap sarap mo naman na kasama
ang sarap-sarap mong kasama
sarap sarap mo naman na kasama
nandito lamang ako ikaw ba ay nangangamba akong bahala sayo diretso lang ang tingin wag ka ng lumingo
isipin mo na; ang ito ang daan papunta sa ating prusisyon
pagmamahal na walng kundisyon
maglalakbay at sasabay kahit na nakaposisyon
mga harang na di maisantabi
kabilang parte naman nito malabo na mapaghiwalay nila
basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
hindi ko na namalayan na inabot na pala ng madaling araw
parang kanina lang ay nagba bye paalis ang haring araw
hanggang bukang liwayway kumaway kahit ang tulog ay mababaw
ulo mo saking balikat inabutan ng pagsikat ng haring araw