sa pagitan ng simula't katapusan
matagal ko nang pinag-iisipan
bago mo ako tuluyang iwanan
kung mayroon akong natutunan
sa dami ng ating pinag-awayan
yan ay wala akong dapat patunayan
naisip ko rin namang umalis na ng tuluyan
pero hindi tamang ikaw ay iwanan ng walang paalam
alang-alang sa pinagsamahan
du'n sa lugar kung saan ka magiging masaya
kahit na hindi ako ang kasama
binigay lahat ng makakaya
pag-ibig na tapat mula nu'ng una
naisip ko rin namang umalis na ng tuluyan
pero hindi tamang ikaw ay iwanan ng walang paalam
alang-alang sa pinagsamanan
du'n sa lugar kung saan ka magiging masaya
kahit na hindi ako ang kasama
walang mangungulit at wala nang magagalit
du'n sa lugar kung saan ka magiging masaya
kahit na hindi ako ang kasama
kung saan ka magiging masaya
kahit na hindi ako ang kasama
walang mangungulit at wala nang magagalit