bukas na ang pinto ng ating hawla
tayo na't kainin natin silang buhay
sumapit rin ang katuparan sa 'ting mga hiling
ilalantad ang bawat latay
leon na ang dating kuting
minsan nang pinawi ang ating mithi
at ngayo'y nasasabik sa muling pagbabalik
damdaming umaapaw sa aking dibdib
nagningas pa ang dating alab
asahan nyong may sasambulat
minsan pa'y sumagi sa aking isip
na muling makakamit at muling magwawagi
dati ay laman lang ng panaginip
bukas na ang pinto ng ating hawla
tayo na't kainin natin silang buhay
minsan nang sumagi sa aking isip
na muling makakamit at muling magwawagi
dati ay laman lang ng panaginip
bukas na ang pinto ng ating hawla
tayo na't kainin natin silang buhay