huling liham

de guzman, jm

di na mapinta kung san nagsimula

alam ko lang mahal kita

kahit wala ka na

babalikan pa ba lahat ng ala-ala

ng di nauubusan ng bakit o sigla

at kung hindi man makarating

tanggapin ang aking paumanhin

hindi kita nakalimutan

ikaw parin ang pinaglalaban

at kung ikaw ay aking nasaktan

patawad kung ako ay nagkulang

at kung maibabalik ko lang

hinding hindi na kita

pakakawalan

may mga gabi na ako'y muling umasa

na ikaw ay maligaya kahit pa sa piling ng iba

nung handa nang lumaban

ika'y aking nakita

masaya sa piling niya

walang bakas nating dalawa

at kung hindi man makarating

tanggapin ang aking paumanhin

hindi kita nakalimutan

ikaw parin ang pinaglalaban

at kung ikaw ay aking nasaktan

patawad kung ako ay nagkulang

at kung maibabalik ko lang

hinding hindi na kita

pakakawalan

at sa huling pagkakataon

hayaan mong ipaalam sayo

paalam sayo

hindi kita makakalimutan

salamat sa ating nakaraan

at kung ako'y iyong matandaan

maalala mo itong huling liham

na mahal parin kita

kaya kakayanin na ika'y

pakawalan

Full Lyrics: huling liham - de guzman, jm