huling sandali
december avenue
hindi mapigil ang bugso ng aking puso
sa tuwing ako'y papalapit sayo
maaari bang hingin ang iyong kamay?
hawakan mo't huwag mong bitawan
hindi mapigil ang tibok ng aking puso
sa tuwing ako'y nakatingin sayo
maaari bang huwag kang humiwalay
darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
aasa bang maibabalik ang kahapon?
palayain ang pusong 'di mapigil
sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin
hindi matigil ang gulo sa aking isip
at para bang walang kasing sakit
alaala mong hindi ko malimutan
kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
aasa bang maibabalik ang kahapon
kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?
palayain ang pusong 'di mapigil
sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin