huwag siya

bartolome, donnalyn

huwag siya. huwag siya. huwag siya. huwag siya. kapag umiiyak siya

agad nandiyan ako

di mo na kasi machecheck ang cellphone mo

dahil ang tulad mo

ay mas pipiliing maglaro nang kung anu-ano

alam ko ang gusto ng isang babae

dun pa lang

wala ka na sa akin masasabi

mas kaya ko siyang alagaan kaysa sa'yo

tulad'pag kailangan niya ng pads

may extra ako

sige

andiyan nga si donna kapag iiyak ka

pag kay shehyee ka

hindi ka na iiyak pa

kaya kung ako sayo

sumama ka sa akin

lumuha ka man

'yun ay tears of joy na kung tawagin

okay ang babae pero darating ang araw sasakit ang ulo mo lalo

'pag pareho kayong may dalaw

eh di giyera

di ba? parehas lang kayong kawawa

kaya sakin ka na lang kasi pasensiya ko'y mahaba

pag-isipan mong mabuti lahat

ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat

kitang-kita namang mas karapat-dapat ako

ako ang tunay na nababagay sa'yo

kaya huwag siya

huwag siya

'di ko alam

kung bat kasali pa siya sa pagpipilian

lahat nang kaya ko

'di niya kayang punan

iiwanan ka lang niya na'ng luhaan

huwag kang maniwala sa iba

maniwala ka sa akin

magkakaroon lang ako nang ibang babae kapag girl ang baby natin

pati sa sinasabi nilang ika'y iiwan - hindi - matigas ang aking paninindigan

kaya please lang

ako ang mas bagay sa kanya

lalaki 'ko

babae siya - mas bagay talaga

kaya kung ako sa'yo

sumuko ka na

bahala ka

baka mapasubo ka pa

mas gusto ako ng parents niya

dahil ang mukha mo daw kasi

'di katiwa-tiwala

at tsaka books before boys because boys bring babies

kaya for now

i'm the best choice for the ladies

type ko din ang mga damit na gusto niya

kaya tuwing magshoshopping

natutulungan ko pa siya

hindi katulad mo

boy

manahimik ka diyan

mga pambobola mo na bulok

itapon na 'yan

pag-isipan mong mabuti lahat

ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat

kitang-kita namang mas karapat-dapat ako

ako ang tunay na nababagay sa'yo

kaya huwag siya

huwag siya

'di ko alam

kung bat kasali pa siya sa pagpipilian

lahat nang kaya ko

'di niya kayang punan

iiwanan ka lang niya na'ng luhaan

if i were you

i'd choose me

'cause i'm for you

obviously

pareho tayo nang interes sa buhay

yes

goodbye ka na sa lahat ng stress na nakakaumay

pero diba- shut up please

oh

that's another reason

when you talk

i won't cut you 'cause i know how to listen

at saka

isa pa - donna

time! - may sasabihin pa ako

hayaan na natin siya maghusga

oh sige

itigil na natin 'to

iiwanan na namin ang desisyon sayo

pag pinili mo siya at nagkamali ka

wag kang magtataka kung ang maririnig mo sa akin ay

i told you so

nakinig ka ba?

di ako paulit-ulit mangangako

sinta

dahil hindi ako 'yung tipo na puro lamang salita

pag sa akin ka um-oo

'saka ko sayo ipapakita

tunay na ibig sabihin ng mahal kita

pag-isipan mong mabuti lahat

ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat

kitang-kita namang mas karapat-dapat ako

ako ang tunay na nababagay sa'yo

kaya huwag siya

huwag siya

'di ko alam

kung bat kasali pa siya sa pagpipilian

lahat nang kaya ko

'di niya kayang punan

iiwanan ka lang niya na'ng luhaan

pag-isipan mong mabuti lahat

ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat

kitang-kita namang mas karapat-dapat ako

ako ang tunay na nababagay sa'yo

kaya huwag siya

huwag siya

'di ko alam

kung bat kasali pa siya sa pagpipilian

lahat nang kaya ko

'di niya kayang punan

iiwanan ka lang niya na'ng luhaan