ilusyon - noysuli

abra

nasa'n na ba ang pagbabago?

wala pa rin pala

kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na. kayo na nga 'tong pumapapel

pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?

bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga. wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

ilang dekada na ba?

nakapagtataka na

wala pa ring pagbabago napagkatagal na

imbis na mataranta

aba nagbabalak pa

pagtakpan ang matagal nang halatang halata. palakihan ng lote

paramihan ng kotse

para di mangamote

bayanihan ang konte

matapobre

talagang plastikan ang forte

natutulog sa pansitan na sandigan ng korte. sakit ng lipunan kayo ang ebindensiya

sakit

oo pero ngayon ay epidemya. at sa pilipinas ang mga elektibo

nagpapakabiboat hindi epektibo. puro salita

pero ni wala man lang pruweba

nagpapakapropeta para walang protesta

sa nakaraang problema ano ang solusyon?

kung lahat ng nakikita ko'y isang ilusyon?

nasa'n na ba ang pagbabago?

wala pa rin pala

kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na. kayo na nga 'tong pumapapel

pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?

bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga. wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

walang nakaisip ng nasa paligid

mabaho

madumi at kadalasan mainit

tambakan ng basura kahit na saang gilid

natrapik para bang kada kalsada makitid. laganap na kotongan

sus maria

mga drayber tingin sa kanilang bus tamiya

bayarang kababaihan para boobs makita

ganyan talaga resulta pag kapos ang kita. kapag umulan

wag susubukang bumiyahe

madalas na pagbaha may lumulutang na tae

sandamukal na problema pupuhunan daw sabe

tutulungan

tutulugan

tututukan kunyare!

ngayon sabihin nyo kung nasa'n dyan ang pagbabago

baka nakasalamin ako pagkataas ng grado

kasalukuyang problema ano ang solusyon?

kung lahat ng nakikita ko'y isang ilusyon

nasa'n na ba ang pagbabago?

wala pa rin pala

kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na. kayo na nga 'tong pumapapel

pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa?

bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga. wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

wag nyo kong gagawing tanga

maraming mga kababayang habambuhay na pagod

pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad

iiwan ang pamilya para ang tagumpay maabot

nakakaumay ang sagot kaya ako ay nayamot. di kayo makapagbigay ng mga trabaho

kaya di dapat kinailangan na mangako

sa'n ang pagbabago? taray naman!

imbes na magbagong buhay

bagong bahay na lang!

habang maraming nagugutom at walang matirhan

at abot kaya na gamot wala man lang mabilhan

edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan

kayo ang boses ng taong di nyo kayang pakinggan. magandang kinabukasan naorasan ko yon

di ba dapat ngayon ang kinabukasan noon?

kinabukasan na problema ano ang solusyon?

wag na wag!

wag na wag!