industriya

gloc-9

mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna

pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad

nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

dun samin

dun samin

dun samin

dun samin sisikat ka

dun samin

dun samin

dun samin

dun samin yayaman ka

dun samin

dun samin

dun samin

pakingan mo ang mga kwento ng industriya

pare tingnan mo sisikat din ako

di nga

ito ay mga kaganapan sa buhay

ng isang tao sa mundo ng ibat-ibang kulay

ilaw na patay sindi

kahit na hindi gabi

malalakas na tugtugin na nakakabingi

pero ito ang dinasal ito ang hinagilap

kapalit ng pagaaral kahit tila mahirap

habulin hulihin lunurin baguhin ang sarili

matulin-tulin bunutin pag natibo ka ng bote

sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa

kahit na alam mo ang puhunan mo dugo't luha

meron kang dala dalang 'di alam ng iba

lamunin man ng kaba

ininsayo mo na

at hinding hindi ka papayag na 'di mo maabot

kahit ulitin pang iyong layo't laot may mahamog

madilim at malayo maalon na daan

kahit na ano pa yan ay kanyang lalampasan. mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna

pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad

nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

dun samin

dun samin

dun samin

dun samin sisikat ka

dun samin

dun samin

dun samin

dun samin yayaman ka

dun samin

dun samin

dun samin

pakingan mo ang mga kwento ng industriya

hoy ai idol

ha mayabang naman yan e

liwanag na nakakasilaw

simula sa araw

palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw

sigawan ng mga tao

kahit saan mapunta

ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba

kahit ano ang iyong gawin

ay kanilang bibilhin

makita lang ang kinang ng iyong bituwin

sa bilis ng pangyayari di mo namalayan

bagong bahay lote kotse lupa at kayamanan

na sa iyong kamay na gustong kamayan ng lahat

kaibigan na hindi mo na bilang

na laging nakaakbay gusto kang sabayan sa daan

papayungan ka kapag umuulan

ikay nawili at tila ba nalasing ka sa lahat

ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat

sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap

sa dami ng 'yong hawak naging bangungot ang

mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna

pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad

nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

dun samin

dun samin

dun samin

dun samin sisikat ka

dun samin

dun samin

dun samin

dun samin yayaman ka

dun samin

dun samin

dun samin

pakingan mo ang mga kwento ng industriya

hoy kilala mo ba yan? oo laos nayan

panahon ay dumaan

naging pangilan-ilan

pag sampa ng entablado nakalimutan

na mga awit na inawit malalakas na hiyaw

bakanteng upuan na nakikinig lang ay ikaw

sa isang iglap tila wala ng nakakakilala

di mo matangap kasi wala ng nakakaalala

dumating ang tagtuyot ni walang kamalay malay malungkot

dahil di ka nagtatabi ng palay nung sagana sa lahat

madami kang kaibigan na akala mo hinding hindi ka tatalikuran ngbiyong mapag

alaman na ikay napag iwanan makatapos ng lahat

ikaw ang pinagtatawanan dahil

nawili at tila ba nalasing ka sa lahat

ng mali ngayon alam mo na hindi kana sikat

ang layo ng nirating di mo nakita ang hinanap

o humawak ka dahil pwede pang mabawi ang