iniwan mo akong nag-iisa

Singer:siakol

nasaan ka na ngayon

ako'y palingon-lingon

di ko maintindihan

kung bakit nagkagano'n

iniwan mo akong nag-iisa

wala akong matanaw

kahit isang langaw

wala akong makausap

at walang gumagalaw

iniwan mo akong nag-iisa

iniwan mo akong nag-iisa

dahil lahat ay iyong sinama

kamag-anak

kapitbahay

kaibigan at kaaway

bakit hindi ka man lang nagtira hah

at bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

aking naalala

nung kasama pa kita

kahit wala sila

paligid ay ano'ng saya

ito na ba ang tinatawag na karma

ano ang nagawa at nandamay ka pa

sinta

ba't di na rin dumadaan ang tindera ng kutsinta

na-miss ko rin ang naniningil sa mga utang ko

iniwan mo akong nag-iisa

dahil lahat ay iyong sinama

mga artista

mga pulitiko

mga botante at kandidato

bakit hindi ka man lang nagtira hah

at bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

sige na ibalik mo na sila

kahit sino

kahit huwag ka na

nang may makausap lang dito

at baka iwanan na rin ako ng malay ko

iniwan mo akong nag-iisa

dahil lahat ay iyong sinama

pati sundalo

pati aktibista

pati turista at terorista

bakit hindi ka man lang nagtira hah

at bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Lyric Context: iniwan mo akong nag-iisa - siakol