isang araw

gloc-9

biyernes ng umaga

paggising ko pasok sa 'skwela

nalilito

may exam ngayon

napipikon

'di ko malaman kung sa'n ako lilingon

para makakuha ng sagot

kapag bumagsak

ako'y malalagot

kay ermat

erpat

sipa

tadyak

ilabas ang kodiko

baka makalusot

sa teacher kong apat ang mata

nakasalaming kasing kapal ng tabla

palakad-lakad

lapad lapad

buti na lamang ako nama'y nakapasa

kung hindi mapipilitan nanaman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayare

katulad ng minsan ako ay nag biyahe

at nakilala tong malupit na babae

sa may qc pangalan ay debbie

nag-aabang sya ng taxi

tinitigan ko sya ng mata sa mata

sinabi kong you look lonely

do you wanna go somewhere

plak!

nagka-bituin ang aking paningin

bumakat ang kanyang kamay sa 'king mukha

pagkatapos akong sampalin

pero ngumiti s'ya

may kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan

kaya binigay nyang kanyang calling card sa 'kin

na animo'y parang humahalik sa hangin

kaso lang

napagkamakalan kong calling card nya na ticket ng bus

naitapon kong kasama ng isang baso ng juice

sinubukan kong hanapin don sa may sta. cruz

at baka sakali na ang landas namin ay mag krus

kaya pumasok ako sa isang eskinita

at tinanong ang kauna-unahan na nakita

dahil baka sakaling kanyang nakikilala

ang babaeng animo sa 'kin ay isang diwata

manong

nakikilala n'yo pa ba sino ba 'yon

ano nga bang pangalan nya

teka

girlie ba 'yon

oo

kanina pa naghihintay sa 'yo doon

lapitan mo

hayon nakaupo sa may balon

eto ba sya

bakit parang hindi yata ito

maganda sya kaya sige

napasubo ako

teka lang

teka muna

ako'y litung-lito

nangyayari lang 'to sa mga guni-guni ko

na para bang nagmamaneho ng isang bagung-bagong auto

marami nang pera

nanalo pa sa lotto

walang kumakalaban at lahat bumibilib

hindi naghihintay

hindi naiinip

teka lang

mabalik tayo sa kabilang kwento ko

habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal

punkistang bungal

natapilok kaya na-shoot sa kanal

tinulungan ko

kawawa naman kasi

'di na nya makita limang pisong pambili

ng suka na gagamitin ng kanyang inay

para may sawsawan ang kanyang masibang itay

salamat ha

ang bait mo pala

'pag dating sa kanila

ako lang ang 'di pinakilala sa kapatid nyang si girlie

at sa pinsang si debbie

gulung-gulo at ako ay hindi mapakali

para bang ang lahat ng mata'y sa 'kin nakatingin

at hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin

kasi ba naman parang walang malabong nangyari

sa 'min nitong mga kaharap kong panalong babae