itak ni andres

gloc-9

naputulan ng paa pero di sya tumakbo

naputalan ng kamay pero di sya tumakbo

naputulan ng kuko pero di sya tumakbo

pero di sya tumakbo pero di sya tumakbo

sinong takot? sinong tumitiklop?

sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod

hindi takot hindi tumitiklop

handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa

bewang ng supremo

akoy kasing tigas ng bakal

binabad sa apoy para lang mapalambot

supremo

di ako marunong umangal

kahit na ako'y may martilyong sinasambot

aking dinanas

pilit tinanas

hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

aking dinanas

pilit tinanas

hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

braso

kamay

ulo

pangalan

binitbit sa digmaan

nalasahan ko na

kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma

sa paraan ng pag gamit sakin hindi nagtaka

agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak

dugoy dumanak nang malaman ang balak

ng iba na ang tanging hangad ay ang malamang

kapag may nililitis ako ang laging naka abang

pag mayrong nahatulan at di makati ang baril

dahil sanay pumutol ng kahoy akong taga kitil

pero kung minsan ay nagtatanong may napuntahan ba

ang walang tigil na pag daloy ng sapa na pula

at sa palengke ng dahas di kailangan bumili

ang pilit na sinasabi sakin ng pluma ni jose

tingin ko yun ay mabagal ito ang mabilis

ako nga po pala ang itak ni gamit ni andres

aking dinanas

pilit tinanas

hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

aking dinanas

pilit tinanas

hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

sinong takot? sinong tumitiklop?

sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod

hindi takot hindi tumitiklop

handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa

bewang ng supremo

Full Lyrics: itak ni andres - gloc-9