noong bata ka pa si darna ang ginagaya
minsan nama'y nagbi-bistida
maging sa laruan manika ang napag-tripan
hindi ka raw tunay na lalaki
gusto ng tatay mo na ika'y mag-sundalo
kahit lunurin ka wala ring napala sila
nung sabi mong ika'y sirena
at kahit na ano pa ang gusto mo
basta wala ka bang tinatapakan na tao
ang mahalaga ikaw ay masaya
'wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
walang pumapansin sa natatangi mong galing
mas madalas ka pang laitin
pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
ngunit walang rumirespeto
at kahit na ano pa ang gusto mo
basta wala ka bang tinatapakan na tao
ang mahalaga ikaw ay masaya
'wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
at kahit na ano pa ang gusto mo
basta wala ka bang tinatapakan na tao
ang mahalaga ikaw ay masaya
'wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
at kahit na ano pa ang gusto mo
basta wala ka bang tinatapakan na tao
ang mahalaga ikaw ay masaya
'wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
silang 'di pupunta sa langit
silang 'di pupunta sa langit