kadenang bulaklak
cruz, donna
ang wikang ginagamit ng mga puso
natututunan kahit di ituro
puno raw ng kahirapan landas na daraanan
subalit wala raw katumbas ang kasiyahang matitikman
sa sandaling na'yong mabatid
na nangungusap mula sa iyong dibdib
ano ang ginagamit na wika sa langit?
bawat salita kaya doon ay inaawit
kahit marami ka pang di nalalaman
asahan mong doon mayroon kang tahanan
ng kadenang bulaklak itong daigdig
upang kanyang kagandaha'y magbalik
upang kanyang kagandaha'y magbalik.