karoling

siakol

a bente kuwatro ng disyembre alas nuwebe ng gabi

hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa

tatapat sa bahay-bahay mangungulit mag-iingay

iipunin ang bigay para mamaya may tagay

karoling ang saya-saya namin

sa bawat awiting ang simoy ng hangin

oh karoling simbolo ng pagkainipin

na gusto mo nang hatakin ang paskong darating

habulan na nga sa tono hahabulin pa ng aso

'pag chick ang nasa bintana harana ang sadya

ok lang kahit patawad o inumin na lapad

tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami

karoling ang saya-saya namin

sa bawat awiting ang simoy ng hangin

oh karoling simbolo ng pagkainipin

na gusto mo nang hatakin ang paskong darating

ang aming pagbati sana ay manatili

ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko

may kj at nagmumura masakit lang daw sa tenga

'di yata nila alam araw 'to ng pagbibigayan

pagmamahalan kahit ngiti man lang sa amin ay galak

meron pang palakpak

oh karoling ang saya-saya namin

sa bawat awiting ang simoy ng hangin

oh karoling simbolo ng pagkainipin

na gusto mo nang hatakin ang paskong darating

oh karoling ang saya-saya namin

sa bawat awiting ang simoy ng hangin

oh karoling simbolo ng pagkainipin

na gusto mo nang hatakin ang paskong darating

paskong darating

paskong darating