katulad ng iba

Singer:gloc-9

hindi lahat ng mahina

mananatiling mahina

hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

mata mo'y iyong buksan

bumangon ka't makialam

paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon

ayoko nang maligo

tapos na ko kahapon

ubusin ang almusal

binabagalan lumamon

hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon

palaging walang kibo

tahimik sa gabi

hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi

bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli

anak bakit ka tulala? lumalamig na ang kape

di ko alam ang gagawin

ayoko ng pumasok

hindi naman mabaho

bakit nakakasulasok?

merong mga nangyayari satin sa paaralan

hindi bukas makalawa

ngayon dapat solusyonan

hindi lahat ng mahina

mananatiling mahina

hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

mata mo'y iyong buksan

bumangon ka't makialam

ano'ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha?

maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura

laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa

na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba

unipormeng maputi

papahiran ng dumi

pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi

minsan ako'y napapa-isip

di ko maisang tabi

pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni

kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan

nawa'y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan

dahil ang nagmamataas

kahit na may dahilan

ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan

ang ibinababa ang siyang tinataas

ang nagmamataas ang siyang nadudulas

ang ibinababa ang siyang tinataas

ang nagmamataas ang siyang nadudulas

tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila

wag tayong maging manhid na katulad ng iba