kaya ko ang pagbabago

Singer:constantino, yeng

ito na ang simula ng pagbabago

mula sa pagkadapa ako'y babangon

isusulong ko'y adhikaing umunlad at makatulong

para sa pamilya at sa kapwa

lilinangin sa mga palad ang bagong pag-asa

pasan ko sa balikat ang mga munting pangarap

at ang bawat hakbang ay papunta sa tagumpay

ako ang papanday ng aking buhay

dahil kaya koooo

pagyamanin ang talino

sa kapwa ay tumulong

lumingon ka sa paligid

gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran

lahat ng ito ay kaya nating abutin

kaya natin 'to

kaya ko

kaya ko woo ooh ooh

alamin ang mga aral

pagyamanin ang talino

para sa minimithing

layuning masayang pamilya

malakas na pangagatawan

mataas na antas ng edukasyon

ng may maayos na pamumuhay

nasa akin ang pagbabago

kaya ko

lumipad tulad ng lawin

mahalin ang kalikasan

ipakita ang galing ng aking lahi

gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran

lahat ng ito ay kaya nating makamit

kaya natin 'to

kaya kong lampasan ang kahit anong pagsubok

kasama ang programang sa ami'y nakatutok

ang tibok ng puso'y malakas

may pag-asa

maniwalang makaahon ang pamilya

kaya kong abutin aking mga pangarap

sa biyayang binahagi sa mahirap

ang buhay ay nahanap

kayang umasenso

kung masipag ka at porsigido

dagdagan ng tiyaga

ako ang mag-uukit ng mga mithiin

buhatin sa mga bisig ang pangarap

ambisyong makaahon at ang pamilya makabangon

ng mabuhay ng maayos

pagyamanin

tatalunin ang kahirapan

talino at lakas

sandatang kong kailangan

'yan ang puhunan sa kaunlarang makatawid

alam kong kaya ko sa biyaya mong hatid

pagyamanin ang talino

sa kapwa ay tumulong

lumingon ka sa paligid

gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran

lahat ng ito ay kaya nating abutin

kaya natin 'to

lumipad tulad ng lawin

mahalin ang kalikasan

ipakita ang galing ng aking lahi

gabayan ang kabataan tumawid sa kaunlaran

lahat ng ito ay kaya nating makamit

kaya natin 'to

kaya ko

kaya ko woo ooh ooh

Lyric Context: kaya ko ang pagbabago - constantino, yeng