lagot sa landlord kaya para-paraan
eto nangangailangan parang kahapon lang
minamalitrato't minamanipula po tayo ditto sa batibot
paraiso pag isang bandido
sinu-sino? lipon ng ilang partido
nino? sila-silang magkakaapelyido
astig noh? ako lang ba? o lahat tayo nabobobo?
pinoy nga naman oh halata yung panloloko
ako kamo? lagay? pag umoo
yan ang gusto ng mga mamboboto
na ako'y isang aliping sagigilid
sa sarili kong lupain binibitin
ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
hindi bat sayang? king inang bayan
pinabayaan kahit binabayaran
bakit ninanakawan? kasi hinahayaan natin
media giants medyo biased ang pinapalabas
sunud-sunuran parang alagang tuta
puta ng mga sangkot kakadampot ng kararampot
yung pook eh sumisikip pa lalo kakakantot. kadyot!
perlas ka nga ba talaga o alahas ng amerika? kawawang talaga
kaya pwede ba? magrebelede ng konte
paksyet! penge ng chongke
na ako'y isang aliping sagigilid
sa sarili kong lupain binibitin
ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
pukinangina! nasan na po ba ang progreso?
at bayad muna para una kang maiproseso
kung ganto yung takbo sayang gasoline
at bukod dun ga-bundok yung nandudukot na
lupang hinirang sa iba't ibang lalawigan
nang di nababalitaan likas na yaman
di malaman-laman kung bakit
lupain ni malakas at maganda pa talaga ang pumangit
no nga bang solusyon sa traffic na to?
juan tamad itigil ang shabu
itigil nyo na yan habang may ngipin pa kayo
bato-bato sa langit nang madaling kontrolin
kompanyero ewan kung mapansin mo
mayaman lang ang umaasenso
pasibang pang-alila nung sinauna pa
sobrang bulok ng sistema dapat ibasura na
puro papogi't puro paganda
at yun ang punong pamagat ng mga kolumnista
habang mga mangingisda sa sariling dagat pinagtatatakwil
at ang mga magsasakang nanlilimos ng bigas pinagbababaril
panay masaker tas talamak pa yung pera
matabil dahil sandamakmak ang pruweba
bitak ang ekonomiya iwan sa teknolohiya
sira ang ekolohiya inay ko po!
madugo ang laban parang dysminoreya
real talk ang ginagamit kong sandata kasabay ng ritmo rima
ano pang reklamo? edukasyon at medisina
pero mas nakakabanas and disiplina
kaliwa't kanan na ang korapsyon
pati ba naman mga donasyon
kung meron ang kakapal ng mukha sa tarpaulin
namumulitika pa rin? sarap lang pakyuhin!
mapagbalatkayong nagtatayo ng imprastraktura