sana'y dalhin mo rin ang puso ko
na di rin titibok kundi sa 'yo
ang kagandahan ng ating mundo
dalhin mo rin paglisan mo
upang di mamasdan ang bagay na
ngunit saan ako tutungo pa
pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
at sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
kapag wala ka na at di magisnan?
pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
at sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
kapag wala ka na at di magisnan?
may pag-ibig pa kayang malalabi
kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
ang buhay ko kaya ay di madali?