mga pahayag na nakakaasar
sino ang may-ari? kahit 'di sa'yo angkinin mo
bakit nagmamagaling mag-ipon at dumaing?
huli ka naman dumating kanina pa nailibing
sa limot at hinilot ang libag sa katawan
paikot-ikot mo hinilod ang nasa pahayagan
patalikod ang laging nais mong pakikipag-usap
labis na pagkabukas ng talukap
katulad ng naisulat sa gubat
magbuhat ng subukan kong bumuhat
ng panggatong sa apoy 'di ko inisip na ako'y
papatirin ang baling sa hangin ay nangangamoy
na usap-usapan tila may natapakan
gabundok na kalaban palaging nakaharang
puro kasinungalingan naman ang mga laman ng mga nasa dura kaya
ulit-ulitin ang ibig sabihin ng kadiri
ulit-ulitin ang ibig sabihin ng kadiri