lagim

siakol

dumilat ka at pagmasdan mo

inang bayan ay nagsusumamo

ang dating kaliwanagan

bakit ngayon ay kadiliman

huwag tumunganga

sa ating bayag sumasama

sa karantaduhang ikaw ang may gawa

puro patayan walang katapusan

hindi ba naturuan ng pagmamahalan

sagana sa yaman ugat ng lahat

silang matataas ang may likha ng lamat

mga hinanakit hindi na ba matatapos

di ba matitinag wala bang pag-galang sa diyos

tayo na sa paraiso at wag na natin muling balikan

ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran

sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan

at kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan

lagim ang sasapitin

kasakiman kapangyarihan

ikaw ba'y diyos ng sanlibutan

pera na sa atin ay bumubuhay

dito ay maraming nagbuwis ng buhay

sobrag talino marami raw siyang naimbento

ngunit lagim lamang ang s'yang naging epekto

kaplastikan sa kapwa tao

ginagamit ang pangalang kristo

kaligtasan ang usap-usapan

ngunit ang isipan ay kalaswaan

dala ay bibliya buong akala mo'y santo

sa likod ng maskara ay isa palang diyablo