langis at tubig

Singer:juris

tubig at langis

ang katayuan nati'y yan ang kawangis

pilitin mang magsama'y may mahahapis

ganyan-ganyan tayong dalawa

ang panuntana'y magkaiba

langis at tubig

'di mapagsama ng tunay mang pag-ibig

hinanakit ang siyang laging mananaig

mahal na mahal man kita

may mahal ka namang iba

tubig at langis

idarang man sa init 'di rin tatamis

dahil ang halo'y luha't paghihinagpis

ang kirot ay 'di maalis

kung labis. bakit nanaig

ang dusa sa ligaya sa ating daigdig

may dasal ba akong hindi niya narinig

papel natin sa pag-ibig

ako'y langis ika'y tubig

tubig at langis

idarang man sa init 'di rin tatamis

dahil ang halo'y luha't paghihinagpis

ang kirot ya 'di maalis

kung labis. bakit nanaig

ang dusa sa ligaya sa ating daigdig

may dasal ba akong hindi niya narinig

papel natin sa pag-ibig

ako'y langis ika'y tubig. ako'y langis ika'y tubig.