ilang awit pa ba ang aawitin
ilang ulit pa ba ang uulitin
tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
ilang isaw pa ba ang kakain
ilang tanzan pa ba ang iipunin
gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko
aking sinta'y walang humpay
wag ka sanang magtanong at magduda
dahil ang puso ko'y walang pangamba
na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya
ilang ahit pa ba ang aahitin
ilang hirit pa ba ang hihiritin
di naman ako mangyakis tulad nang iba
pinapangako ko sa iyo na igagalang ka
aking sinta'y walang humpay
wag ka sanang magtanong at magduda
dahil ang puso ko'y walang pangamba
na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya
wag ka sanang magtanong at magduda
dahil ang puso ko'y walang pangamba
na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya