maibalik

jbk

mula sa sulok ng iyong mga mata

may mga luhang ng hinanakit

na nagmula sa akin

di ko sinasadya

mundo natin di magtugma'y

ilalapit sa mga yakap at halik

mo'y nanabik

ako ngayon ay nag sisisi

sana ay maibalik ang mga oras

ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon na maibalik

mga ngiti mo na abot langit kapag ako ang iyong kapiling

nakita mo aking pananakit

ngunit ako'y pinili mo parin

ang nabitawan kong puso mo'y nais ko sanang subukang ibalik

sa mga yakap at halik mo'y nanabik

hanggang kailan mag titiis

sana ay maibalik ang mga oras

ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon na maibalik

mga ngiti mo na abot langit kapag ako ang iyong kapiling

ano man ang nagawa. patawarin mo sana sintaaa

maari ba tayong magsimula?

muling yakapin aking pagmamahal

sana ay maibalik ang mga oras

ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon na maibalik

mga ngiti mo na abot langit kapag ako ang iyong kapiling

sana ay maibalik. sana ay maibalik