meron pa

siakol

malalawak na paligid oh kay gandang masdan

malalayang ibon nagliliparan

sariwang hangin yumayakap sa'kin

malinis na batis ako ay lunurin

ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran

meron pa pala tayong di napapansin

at meron pa pala tayong sisirain

sa iba't ibang mga lugar na aking napuntahan

paghanga ay naramdaman sa aking nasaksihan

bundok at kagubatan noon ay isang larawan

ngayon lang natagpuan ang tunay n'yang kagandahan

ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran

meron pa pala tayong di nararating

at meron pa pala tayong sisirain

oh aking bathala na siyang lumikha

ng lahat dito sa lupa ako ay namangha

hindi man makabago sa gawa ng tao

na kalikasa'y isakripisyo

pag-unlad ba ito?

ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran

meron pa pala tayong di nararating

at meron pa pala tayong sisirain

siksikan sa paligid kay pangit pagmasdan

mga pagod na ibon walang madapuan

mabahong hangin sumasakal sa akin

napakaruming tubig tanawin sa amin

ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran

meron pa pala tayong di nararating

at meron pa pala tayong sisirain

ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran

meron pa pala tayong di nararating

at meron pa pala tayong sisirain

sisirain

sisirain

sisirain

sisirain

Full Lyrics: meron pa - siakol