minsan minahal ay ako

Singer:aiza seguerra

ano na lang 'yung 'sang sandali

na makatikim ng pagmamahal

matapos ang luhang ipinagpalit?

ang sandali

'di naman magtagal

ang yakap mo'y hahanap-hanapin

akala ko ang mundo na ay akin

ngunit hindi pala ganyan

kay bilis makalimutan

na minsan ang minahal ay ako

ano na lang 'yung kaunting pasakit

kung katumbas ay pagmamahal?

pag-ibig mo ay aking langit

kahit buhay ko ay handang isugal

ang himig mo'y aking aawitin

habang ako'y kakailanganin

at kung ako'y iyong saktan

ito ma'y gagawing dahilan

'pagkat minsan ang minahal ay ako

ang lingap mo ay hahanap-hanapin

sa entabladong minsan ay sa akin

at kung ako ay malimutan

kahit sa awit ko man lamang

iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan

na minsan ang minahal ay ako

ang lingap mo ay hahanap-hanapin

sa entabladong minsan ay sa akin

at kung ako ay malimutan

kahit sa awit ko man lamang

iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan

na minsan ang minahal ay ako

iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan

na minsan ang minahal ay ako