di na mahanap ang kasagutan natutuliro ang isip
binabagabag ng katanungan ng mapagbirong pag-ibig
may ibig sabihin ba kung parang kayo
pero wala lang ano bang kaugnayan
para bang akdang baybayin
na di ko magawang basahin
ano nga bang nais ipahiwatig
dapat bang sumuko o manalig
tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
ito'y palaisipang misteryo
marahil mali rin na mahulog
sino bang may sabing isipin kita
sa paggising hanggang pagtulog
di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan
kaya ngayon ay nangangapa lang
kung may mapapala o hanggang dito na lamang
para bang akdang baybayin
na di ko magawang basahin
ano nga bang nais ipahiwatig
dapat bang sumuko o manalig
tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
ito'y palaisipang misteryo
parang talinhagang hindi ko mabatid
para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
ito'y palaisipang misteryo
ano nga bang nais ipahiwatig
dapat bang sumuko o manalig
tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
ito'y palaisipang misteryo