pag nakikita ko ang mga ulap
kapag may bulaklak sa mesa
kapag umuulan at ako'y nanlalamig
pagsapit ng gabi sa awit ng kuliglig
pag pumito na naman ang guwardya
pagkat ikaw ang parati kong naaalala
at sa oras-oras kong hiling na makasama
ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko
pag ham na naman ang ulam
kahit sa pagsakay at baba ng jeep
kapag bagong allowance o wala nang pamasahe
maghahanap ng trip sa panonood ng sine
kapag ang palabas ay drama
pagkat ikaw ang parati kong naaalala
at sa oras-oras kong hiling na makasama
ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko
pag nababasa ko ang mga sulat mo
pag-ibig sa bawat bersikulo
di mauubusan ng ala-ala sayo
kapag tumatagal ka kapag wala ng masabe
kahit di ko alam kung ano ang mangyayare
pagkat ikaw ang parati kong naaalala
at sa oras-oras kong hiling na makasama
ang pag-ibig mo ang tibok ng puso ko