ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
nadarang nanaman sa'yong apoy
bakit ba laging hinahayaan
ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
nadarang nanaman sa'yong apoy
handang masaktan kung kinakailangan
puwede ka ba makasama sa pag-gagala
kung sakaling 'di ka puwede
ilang araw ka na naroon sa panaginip ko
nag-aalala lang ako baka san ka mapunta
pero mukhang ayos ka naman
kahit hindi na kita abalahin pa
ilang ama namin pa ba ang dapat
para patago kang mag-alala sakin
habang pinapantasya lamang nila
dun ikaw sa likod ng colorete
pag 'di na ngangangahulugan
sa salitang paraiso para sakin
bakit kaya kayamanan ko padin kinikilala
kahit na sa puso mo man ay
hinandusay na natin ang kasya
dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran
kaya 'di na bago sakin mawalan ng pag-asa
tawagan mo na lang ulit ako
kapag hindi na kayo magkasama
bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
nadarang nanaman sayong apoy
bakit ba laging hinahayaan
ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
nadarang nanaman sayong apoy
handang masaktan kung kinakailangan
sana madaanan mo ko pagkatapos
sabihin mo ngayon ako'y makaka-asang
dito ka dadalhin ng iyong sapatos
kung ngayong gabi lang naman ay magiging dahilan
ay handang handa parin naman ako mamaos
makakaluwag ka man ay sa mas
nakakaibang paraan kita tutulungan makaraos
siguro 'di na kayo nilanggam
ang iyong halaga kung gaano ka kalinamnam
iwasan ko mang matakam ng di halata
kapag tawag na ng laman ay nagbadya
makipag langit lupa ng walang taya
mga ingay na tayo lang dalawang nakadinig
nakatawang umidlip sa kama
pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga?
bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
nadarang nanaman sayong apoy
bakit ba laging hinahayaan
ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
nadarang nanaman sayong apoy
handang masaktan kung kinakailangan