habang tayo'y nasa telepono
alas dos ng madaling araw
rinig na rinig ko ang hilik mo
ngunit ako'y kilig na kilig pa-rin
'pag ikaw ang kasama kahit sa'n mapadpad
kahit sa'n pumunta okay lang ako
'pag ikaw ang katabi kahit anong pag-usapan
basta't kamay mo ang hawak
habang hinahatid mo'ko sa bahay ko
pagod ka sa pagmamaneho mo
pero pinagtawanan mo lang ako
ang pinipili ko'y ikaw pa-rin
'pag ikaw ang kasama kahit sa'n mapadpad
kahit sa'n pumunta okay lang ako
'pag ikaw ang katabi kahit anong pag-usapan
basta't kamay mo ang hawak
paggising ko'y humihilik ka sa tabi ko
ang naiisip lang ay okay na ako
'pag ikaw ang kasama kahit sa'n mapadpad
kahit sa'n pumunta okay lang ako
'pag ikaw ang katabi kahit anong pag-usapan
basta't kamay mo ang hawak