hanggang dito na lang ba ang kuwento nating dalawa
urong-sulong ang simula ngunit bakit ang pagtatapos ay bigla
sa yong biglang paglisan nang kusa
hanggang dito munang ating yugto
nais ko man ika'y manatili
sa ngayo'y di na to maaari
kaya't ang paglambing mo ay biglang kumubli
akala ko ikaw na ang siyang papawi ng pait at hapdi
kailangang hayaan na ika'y umalis
hanggang dito munang ating yugto
nais ko man ika'y manatili
sa ngayo'y di na to maaari
pwede pang bumalik ang damdaming nawala
sa isang panahong walang hahadlang
hanggang dito munang ating yugto
nais ko mang ika'y manatili
sa ngayo'y di na to maaari
kaya paalam muna mahal ko
hanggang dito munang ating yugto
nais ko mang ika'y manatili
sa ngayo'y di na to maaari